MAIIYAK KAYO SA KANYANG KWENTO. SUMUOT SIYA SA MALIIT NA BUTAS NG BINTANA PARA TUMAKAS SA IMPYERNO.
Sep 21, 2018
  • 1,915,362
  • 17,676
  • 919

Lumuwas pa mula Tagum City, Davao del Norte si nanay Ines Dalapo, upang ihingi ng tulong ang anak na si Jean na isang OFW as Riyadh.

Ilang taon na din mula ng huli nilang nakausap si Jean at labis na ang kanilang pag-aalala lalo na’t nalaman nilang siya ay sinasaktan ng amo.

Sumangguni si idol Raffy kay Marissa Cruz ng OWWA kung maaari pa din bang matulungan si Jean sa kabila ng ito ay direktang empleyado na ng amo at hindi na sa ilalim ng ahensiya. Kinompirma naman ni Marissa na siya pa din ay pwedeng tulungan at maibabalik na ng bansa bago matapos ang buwan.

At naibalik nga si Jean sa kanyang pamilya at nilahad niya kung paano na lang siya saktan at pagtrabahuin ng amo ng walang sahod. Kwinento din niya na hindi siya makapagsumbong dahil recorded ang kanyang mga tawag gamit ang telepono ng amo at may translator pa.

Kinailangan ni Jean lumusot sa maliit na butas para makatakas at makatakbo sa embahada ng Pilipinas. Labis ang pasasalamat ni Jean kay idol dahil kung hindi daw sa kanya, malamang ay patay na daw siya ngayon.

Bago sila umuwi, pinagpahinga at pinakain muna sila para naman magkaroon sila ng oras mag-ina mag magbonding. Sinagot din ito ni idol pati ang kanilang pamimili ng damit at pamasahe pauwi. Bakas ang kaligayahan ng mag-ina sa pagbabalik sa kanilang tahanan sa Davao del Norte.

Youtube: http://bit.ly/1RaffyTulfoOfficialYoutube
Facebook: http://bit.ly/RaffyTulfoOfficialFacebook
Instagram: http://bit.ly/RaffyTulfoOfficialInstagram
Website: http://bit.ly/RaffyTulfoOfficialWebsite